top
Ako si Jastine. Sabi nila mayabang daw ako. Mayabang ba ako kung ikaw naman ipinagyayabang ko? Hindi ako sikat. Hindi kasi ako gwapo tsaka hot. Ang meron lang ako, kaibigan. Kung meron kang gustong itanong, itanong mo na.  ang gustong mahalin ko
3
0
Excited sa Tumblr Dance Crew pero di naman sure kung makakasama.

HAHAHAHAHA! Pasensya na. Excited kasi kung makasama ako, new friends na ka-bonding pa sa pagsasayaw. Yun nga lang, di naman ako sure kung makakasama. Kung sa manila ang sayawan at sabado, di pwede. May klase ako ng sabado. E architecture pa, busy. Pero sana talaga magawan ko ng paraan. :)

(Source: superjastine)

1
Dot dot dot.

Dahil sa Tumblr Dance Crew na yan, na-miss ko tuloy magsayaw agad-agad kahit na kakapraktis lang namin kahapon. Hahaha. Mahal na mahal ko yata pagsasayaw eh. LELS. Pero sana talaga, matuloy yun tapos makasama ako. :)

(Source: superjastine)

3
Yung nakakapag-123 ka sa jeep kasi sa ganda ng kwentuhan niyo ng mga kabarkada mo, nakalimutan mo na magbayad.

(Source: superjastine)

4
Di na ako sure kung mabagal ba ang net o sadyang nagloloko lang ang facebook.

(Source: superjastine)

1
Isa sa pinaka-masayang feeling ay yung feeling na minamahal kita. Ikaw lang, wala ng iba.

(Source: superjastine)

2
RF: Frustrated singer ako eh.

Isa kasi yun sa mga dreams namin ng kabarkada ko. Kaso naging dancer. Hahahahahaha. Pero hanggang ngayon, tinutupad pa rin namin. Ayos lang, kamukha ko naman si Teddy Corpuz tapos siya sabi niya kaboses daw nya si Hey Daydreamer. HAHAHAHA,

(Source: superjastine)

2
Barkada ko nagpapatulong.
- SIYA: In-accept na ako. Ano na gagawin ko? Paturo, di na ko marunong manchix eh.
- AKO: Ode mag-hi ka. Tanung mo kung kaklase nya ba kamo ako.
- SIYA: Ipe-paste ko nalang dito yung chat namin. Tulungan mo ko.
- AKO: Ayoko nga. Hahaha. Kaya mo na yan. Teka, kakausapin ko. (chinat ko yung kaklase kong babae)
3
Sa buong tumblr life ko, napaka-dalas kumalat ng mga meme ni edlynized.

HAHAHHAHAHA. Every month yata eh. XD Hi! :))

(Source: superjastine)

3
Uhhh.

Kakabisita ko lang sa profile ni sweetheart sa fb at dun nakita ko yung mga pictures nya nung nasa Baguio siya. Matagal tagal ko na din syang di nakakasama. Miss na miss ko na yung presensya nya. Ramdam kong miss na miss ko na sya kasi nung pagkakita ko sa mga pictures nya, nakaramdam ako ng lungkot. Kaya nga ako napa-post ng ganito eh. Minsan kasi pag nagdadrama lang ako nag-popost ng ganito. Well, mahal ko nga talaga siya siguro kaya ako ganito. Lahat naman yata lalo na yung mga nasa LDR. Sana lang talaga makita at makasama ko na sya. Gusto ko siyang bigyan ng isang matinding hug. Ay mali, gusto ko yung hug na hanggang magsawa sya sa kaka-hug ko. Sa tagal naming magkasama, kulang siguro yung isang araw para masabi mong solve ka na. Pero at least, sulit naman di’ba? Ano ba naman yung oras na pagbyahe mo makapunta lang sa kanila. Habang tina-type ko ‘to, meow ng meow yung mga pusa sa labas. Natatakot na ko. Baka naglalandian lang siguro sila kaya ganun. Pero maingay talaga eh. 

Bakit uhhh yung title? Sabi kasi nung unang panahon. Yun lang. I love you sweetheart. Sasabihin nung iba, “Magbe-break din kayo”, “Una lang yan kaya sweet ka”, siguro marahil tama kayo. Sino bang nakaka-alam kung yung gf o bf mo ngayon e sya ng makakasama mo habang buhay? Di’ba? Ang mahalaga dyan masaya kayo ngayon, huwag nyo na masyadong intindihin ang bukas. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, may marijuana sa likuran.” 

Ang haba ng post ko no? Tiyaga mo lang kung binabasa mo pa rin ‘to. Kung binabasa mo pa rin ‘to hanggang ngayon, salamat. Isang malaking kiss sa noo ang maibibigay ko sa’yo. Pag sa lalaki, yakap nalang. Pero seriously, salamat kung natapos mong basahin ang post ko na ‘to. Goodnight. itsLOVE.

(Source: superjastine)